Thursday, July 15, 2010

Guni Guni

Bigla kong naisipang magsulat ng puro Tagalog, at sa totoo lang, nahihirapan ako. Hindi ko alam kung bakit, pero palagi kong nakakalimutan kung ano ang dapat bantas sa bawat parte ng 'sang pangungusap, kung pano binubuo ang bawat salita at kung papaano ginagawa ang bawat kuwento sa Tagalog. Ewan, masyadong magulo pa ang isip ko ngayon. Maraming bagay ang gumugulo. Parang mga langaw. Ang tigas ng ulo, sinabi ko ng lumayo muna, sige pa rin ang lapit.

Para sa isang diskusyon sa kursong Panitikang Pilipino, naatasan akong magbasa ng isang maikling kwento ni Merlinda Bobis. Ma mura mura ako pagkatapos kong mabasa ang seleksyon. Si Bobis din pala ang may-akda ng matagal ko ng ng binabasa sa silid-aklatan, ang Banana Heart Summer. Nakakatuwa lang isipn na hanggang sa ngayon, binabalikan pa rin ako ng aklat na 'yon. Tadhana, kung tutuusin. Hindi ko pa kasi tapos e.

Nakakatuwang isipin na sa dami dami ng pwedeng mabasa, ang kay Bobis pa. Hindi ko alam a, pero sa pagkakabasa ko ke Bobis, palaging me patungkol sa pagkain ang kanyang sinusulat. Maganda at malinis ang pagkakagawa. Kung hindi pagkain, kabataan. Kung hindi kabataan o pagkain, inosensya. Ang ganda lang.

Sa ganitong daan tumatakbo ang isipan ko noon nung hinalintulad ko ang sarili ko ke Bobis. Ang galing kasi. At doon ko napagtanto na walang kwenta ang mga ginagawa ko ngayon. Siryoso. Napaka basura lamang at walang halaga. Masyadong mababaw, masyadong klaro at masyadong... walang kalaman laman ang mga naisusulat ko.

Kailangan ko pang magsanay.

-------------------------------------------------------------------------------------

May kilala ako, at sobrang natutuwa ako sa kanya. Ang galing galing nyang sumulat, at sa katunayan, talagang gumagawa siya ng hakbang upang maipalimbag (?) sa mga dyaryo o magasin ang mga akda niya. Wala lang. Ang gandang isipin na sa bawat pag-yuko nya upang magsulat, may plano na siya at alam na niya ang dapat nyang gawin. Samantalang ako? Samantalang tayo? Anong ginagawa natin? Nakakasawa ng tumunganga lamang. Nakakasawa ng maging tapakan ng tao.

-------------------------------------------------------------------------------------

Sinabi ng aking propesor kanina na kailangan mo daw gumalaw. Kailangan mong gumalaw para sa iyong sarili, maging mapusok at matapang sa tamang paraan. Nais kong maniwala sa kanya at sundin ang mga payo nya sa klase, subalit, ewan. Hindi ganoon kadali magbago. Lalo na't kung ako ikaw at ikaw ako? Mahirap. Sobrang hirap ang pagbabago.

-------------------------------------------------------------------------------------

Hindi ko maintindihan kung bakit ang dami daming tao na ang hilig makipagkumpitensya. Inaano ba kita jan? Labo mo, tsong. Kung nais mong sayo lamang nakatutok ang ilaw, sayo na't wala akong interes sa mga ganyang klase bagay. Sapat na sakin sa likod kung saan madilim at puwede ka pang matulog. Hindi ba?

1 comment:

Paola Jane ♥ said...

Hindi ko maintindihan kung bakit ang dami daming tao na ang hilig makipagkumpitensya.

~ sadyang nakakainis ang mga taong paranoid. baka hindi sapat sa kanila yung ilaw na nakatutok sa kanila.

teka, ano bang tagalog ng paranoid? Oh di ba, mahirap talaga magsulat ng tagalog? :))