Sunday, December 7, 2008

Corregidor pt 3: Kinabukasan


Mood:
Currently listening to: dijurido, the seatbelts


Nagising na rin ang lahat matapos nun. 5 am? 6 am? Hindi ko alam. Nawala ang sense ko ng oras nun.

Madami ang pumunta sa recreation room para mag hanap ng -what else?- kape. Pampainit, pampagising. Ooohhh kape. KAAAAPEEE.

Kaso kabooyah. Walang kape sa recreation room, kundi breakfast. Longganisa, kanin tsaka ketchup na malamig. Ndi ko rin nalasahan. Basta kinain ko na lang.

Matapos mag breakfast, naglibot libot muna ako. Pumunta ako sa dock mismo, sa lugar kung saan hinahampas ng dagat ang shore. Meron ng 3 taong andun, si Gene pos di ko na kilala ung dalawa pa.

Doon pala ang super winds. Feeling ko nalaglag na lang ang buhok ko sa ulo sa sobrang lakas ng hangin. Umupo ulit ako at tinuloy ang pangagngarap.

Pos dumating ung iba pang kakagising pa lang o mga tapos na mag bfast.

-------------------------------------------------------------------------------------

Pagkatapos nun, pina ready na kame. May mga usap usapan na navy daw ang susundo samin. Ang cool naman namen nun. YEH.

Pero as it turns out, ganun pa rin ung ship. =))

The trip home was cool. Dameng gumamet ng barf bags. Ugh. Dahil sa lumipat ako ng upuan, nasa likod ko ung trash can. So ugh, ang dame kong inabot at tinapon na barf bags. Natawa na lang kame ng katabi ko, si Ray.

Inabutan kami ng attendant ng cotton bud na may White Flower. Baka daw kasi mag throw up na rin kami dahil sa kumakalat na amoy ng vomit sa air. Tumawa na lang ako't nakipagkwentuhan na lang hanggang sa makarating ako ng Maynila.

Hanggang sa makarating ng Maynila, ang usok, ang dami ng tao, ang katangahan.

Cool.

-------------------------------------------------------------------------------------

Kanina lang, i realized that i have found my inspiration. My muse. An orange girl in the flesh.

Now i only have to see how this turns out.

No comments: