Saturday, December 6, 2008

Corregidor pt 1: Wala nga Akong Medyas na Suot, Yehey


Mood: Elated
Currently listening to: The first cut is the deepest, sheryl crowe.


If there's one thing i hate about traveling trips, it's the effing boarding wait. If there's another, it's the trash floating around the dock.

So parang ang galing, kasi lahat ng nabanggit ko ay nakita ko kahapon, sa pagsakay ng ferry papuntang Corregidor.

The ferry itself was cool. Merong upper and lower deck. Meron ding instructional video - sinasabi kung saan matatagpuan ang mga life jackets, ang mga exits, etc. Gusto ko sana i applaud ang video, kaso biglang nagbago. Naging documentary vid. I took it as a sign that God wanted me to sleep.

Mga pagkagising ko, nakita ko si Camille busy busyng kakabasa ng pugad baboy.
Sina Nichola tsaka sina Donnadeath(rofl, peace :D) na nanunuod ng DVD.So parang na astigan naman ako. Imagine, DVD sa gitna ng dagat. Sakto pa ung DVD, korean! Oks lang kahit ndi ko na marinig ung audio. Solb solb na sa subtitles.

Sa kamalasan, nagskiskip ang DVD at wala na kameng naintindihan. So much for subtitles.

Ay onga pala. Namigay ng food ang Sun Cruises. Tinapay na may ham at cheese sa loob tsaka Zesto. Mejo naasar ako sa Zesto. Tangna, simula grade school Zesto na lang lagi ang binibigay pag may libreng food. Wala bang root beer jan?

-------------------------------------------------------------------------------------

Pagtapak ko pa lamang sa Corregidor, nagkaroon ako ng moment. Y'know. To feel nature. To wallow in the essence of life. Nag hit sa akin na napaka insignificant ng buhay naten, yadiyadiyak. Existentialism gone wrong.

Kaso talagang moment lang eh. Kasi biglang nag cam whore ung super duo, sina jhanna't fessa. Parang gremlin na nabasa ng tubig. So ako naman, natuwa kasi may cam din ako nun. Parang naisip ko, "kawawa naman cam ko, konti pa lang ang lamang tao. puro na lang dagat tsaka bangka". So siyempre ride on. YEH. Nawala ang moment.

We had our paid buffet lunch at a cafe near the dock. May vegetable, kanin, fried chicken tsaka carbonara. Ang tubig, ndi ko alam kung safe bang inumin o hindi.

Ndi ko nalasahan ang binayad ko nun. Sabi ko pa naman sa sarili ko na susulitin ko ang lecheng 1,604 php ko sa buffet. Ndi ko man lang nagawang mag 2nd round. Nalasahan ko lang ang pait ng gulay at tigas ng manok. Sana binalik nyo na lang ung binayad ko dun at pinambli ko pa ng lobo.

Ung pinagkainan naming cafe, malapit lang sa dagat. So siyempre sugod mode kami sa beach. Dahil sa kasama ko ang twilight fans, parang scene daw ng twilight ang corregidor. May beach. Secluded. Medyo maulap. Kaya aun.

La Push daw ung beach.

May dala rin nga pala si Marga na cupcake nun. PUTANGINA, ang sarap.

At unga pala. It was at this point na bumigay na ang battery ng cam ko. Argh, wala pa nga ung mismong tour naubos na kagad ang battery ko. Ang galing ko talaga.

------------------------------------------------------------------------------------

After lunch, we boarded a bus. The bus was... err. Bus. Wala kasing pintuan. Parang jeep na nilagyan ng roller coaster seats. Mabuti na lang soobrang breezy sa Corregidor.

So aun. Paikot ikot, pa ikot ikot, ikot ikot kame sa Corregidor. May mga oras na feeling ko ndi na lang kame ang tao dun. So, of course, i felt the need to shut myself up - to feel the breath of nature on my neck.

Kaso wala din eh. Nanaig ang pagging bata ko, haha. Like a child with a new toy, we explored a little bit of the tunnels, some of them circling around, some just stopping aburptly, and some of them too dark to do anything but scream.

May guns nga rin pala sa Corregidor. DUH. Higanteng higante. Nakakatuwang isipin na naglalakad ka sa isang battlefield. Isipin mo oh. Dun tumitilapon ung mga bangkay ng mga Pilipino tsaka Japanese. Then again, pucha, maglakad ka lang sa Maynila para ka na ring naglakad sa battlefield.

Mga bandang 5pm na nung nakabalik kami sa dock. Shet, ang lakas na ng hangin. Nangamba na ung iba. May balita raw kasi na baka stranded na kami sa Corregidor.

Napangiti ako nun.

No comments: