Mood: elated
Currently listening to: the last song i'll ever write about a girl, the ataris
Dahil sa sobrang lakas na ng alon mga bandang 6 pm, sinabi sa amin na kailangan naming magpalipas ng gabi sa Corregidor. Biglaan namang nag overdrive ang utak ko.
Thought 1. Ay takte. Overnight?!
Thought 2. Overnight?
Thought 3. YE! OVERNIGHT!
Yung plano ng mga authorities, kakain ang kalahati ng grupo sa hotel. Ung iba, sa recreation area. Swerte naman at ung grupo ko napunta sa hotel para kumain ng dinner. Bandang 6 am din nung nawala na ang battery ng cellphone ko. Disconnected na ako sa sibilisasyon.
Kaso nung binigay na ang mga room assignments, nalaman ko na ang mga guys matutulog sa hostel. Eh naalala ko bigla ung movie the hostel. Eh di ba sooobrang gory nun? Since na torture movie ung hostel, YEH. Angdameng dugo tsaka nililipad na body parts.
Kaya aun. Ayun lang inisip ko. Kumbaga, hostel, torture, hostel, torture, hostel. Hindi pa nakatulong ung pagkain nung dinner. Adobo pare. Mukhang laman ng tao. Ung mga taba pa naman nung adobo TABA talaga. OMFG.
Tapos ang mga kasabay ko pang kumain nun, tangina nananakot den. Magbaon daw ako ng salt tsaka ng pepper. Si Jhanna pa nga pinahiram sa kin ung rosary na bracelet niya. Panakot daw sa mga alagad ng dilim. Yesss, alagad ng dilim! Hanglalim.
------------------------------------------------------------------------------------
Ung mga girls naman, pinatulog sa hotel. Oo, sa HOTEL. Hindi hostel, kung ndi, HOTEL. May shower. May towels. May guard. May ilaw.
Pos ang mga guys naman, sa hostel, aka torture. Naghanda sila ng 72 mattresses(take note, i use the word MATTRESSES. Hindi BEDS).Ang total count lang ng lahat ng guys 67 ata. So bale 67/72.
So hindi ko maintindihan kung bakit nawalan ng higaan. Wala pa namang kaso ng mga taong kumakain ng higaan dahil lang sa na stranded.
Paghahanap ng malilibangan. Ayan ang naging una kong prayoridad. Lumabas kame nina Xtian, Bren tsaka ni David ng hostel. Buti na lang, katapat lang pala ng hostel ang recreation center. Akalain mo un.
Akalain mo rin un, may billiard table din dun. Akalain mo un.
Ang isang oras, 100php daw. Pwede na rin, sabi ko sa sarili ko. Kaya aun. Naglaro kame. Or rather, dahil sa hindi pa ako ganun ka kagaling, nagpaturo pa ako sa kanila. Tangina astig. Gusto ko tuloy magkaroon ng ganun sa bahay.
------------------------------------------------------------------------------------
Sina Greg nakatambay sa may parang couch tsaka sa may bandang entrance. Kami naman, tumambay sa loob mismo ng bus. Eh ung bus pa naman diba parang jeep lang na may roller coaster seats sa loob? Dun. Dun na ako nakaidlip hanggang 10:30. Pinapasok na kasi kame nung lecheng guard. Tsktsk.
So aun. Buti na lang may nakita pa kaming bakanteng mga higaan sa may sulok. Dun kame tumambay hanggang sa mag uumaga na. 12am? 1am?
Siguro nakatulog ako. Kasi ang alam ko lang, nasa gitna ako ng kwento. The next, tahimik na ang lahat, nakatulog ata ako. Shet. Nakatulog ako habang nagkwekwento.
Tumayo ako at lumabas. Mga 3 am ata un o 4.
Ang mga hindi nakakuha ng higaan nakaupo sa may couch, nakabalot ng kumot. Grabe. Ang ginaw kasi sa labas. Ung hanging talagang in your face ung trip. Kulang na lang tangayin ang buong kaluluwa't balat ko.
Sina Erick tsaka sina Paul nkatulog sa labas, sa mga upuan. Para silang mga cocoon sa balot ng kumot nila. Kumuha pa ako ng isang upuan, umupo at nangarap ng gising.
1 comment:
Natatawa talaga ako sa post na to. Lalo na yung part na pinangangalandakan mo ang pinagkaiba ng HOTEL sa HOSTEL :))
Post a Comment