Thursday, November 19, 2009

Hantungan


Mood: nagaantay
Now Playing: akap, imago


nitong nakaraang lingoo, ay madaming taong nagtatanong sa akin kung ayos lang ba ako o ano. hindi ko alam kung bakit - ang huling pagkakaalam ko ay kayang kaya kong tumawa sa harap ng kahit sino, at kaya kong ikimkim ang mga dapat na kinikimkim. kaya hindi ko lubos maunawaan kung paano ako kayang basahin ng mga tao ng ganun-ganun lang. kahinaan? hindi siguro.

matagal ko ng sinasabi sa maraming tao na hindi na ako lilingon sa nakaraan. kung lilingon man, iyon ay para pumulot ng aral at kung anu-ano pa. hindi para umalala ng mga bagay na wala naman talagang sagot dahil una sa lahat, wala naman talagang dapat itanong pa - naikwento na ang mga daat ikwento at lumabas na ang mga dapat lumabas. kung meron pa mang natitira, iyon na siguro ang takot at pangamba na maglakad ulit sa direksyon na tinalikuran. tinatalikuran.

kanya-kanyang pag aangkop na sa sitwasyon yun. kanya kanyang pagkukubli o pagtago o minsan, pagtakas. ako? sawang-sawa na ako maglaro ng tagu-taguan o takbuhan. bahala na si Bathala.

------------------------------------------------------------------------------------------------

wala. na akong dapat maramdaman kung hindi wala. unang una, dahil tapos na ang lahat.

-------------------------------------------------------------------------------------------------
pangalawa, dahil iba na ang buhay ko. namin. niya. sila. at masaya ako para sa lahat. siryoso.
minsan, sa isang sulok ng daan, namamatay ang ilaw, napupundi, nawawala. nilulunod tayo sa kadiliman ng ating anim na pangdama, at inaangat natin ang ating mga kamay para lang may makapitan. ngunit sa ngayon, sa gitna ng sumasayaw na ilaw sa aking sulok ng daan, alam kong walang dahilan para mangamba, dahil alam kong sa gitna ng lahat, ikaw ang aking kasama.

sana lang makita na kita kaagad.
at higit sa lahat, pangatlo: dahil baka ito na ang inaantay ko.

oo, tanga. sana naintindihan mo.

4 comments:

Anonymous said...

Sana nga makita mo na siya. :)

- said...

Sana nga makita mo na talaga siya. :)

drylsmtr said...

sana lang talaga. kayo din, mehn. :)

oh shit,ang gwapo ni kevin said...

kilala ko kung sino dapat mong makita.joke ding.oi.tae.mwah.