Mood: WTF face, on.
Currently listening to: don't wait, dashboard confessional
kuwentong fx. haha. magandang pangalan. baka gamitin ko ito sa mga susunod na mga blog)(kung gagawa man ako ng panibago). salitang balbal ang gagamitin ko dito. para astig. ganito ako magkwento. kadalasan, may mura. kadalasan, patungkol sa mga nakita ko't naisip sa mga paglalakbay.
kuwentong fx.
noong lunes, putangina. ang nasakyan kong fx ay sagad sa buto ang musika. matutuwa na sana ako. KASO. ang kanyang musika ay puro butete. Butete. yung kanta. shiit. paulit paulit pa. kung meron mang break, isang kanta lang. ung payong ata ang tawag sa kantang yon. ung may lyrics na "hindi na, hinde, hinde, hinde". basta ginaya na kanta ni rihanna. ung negrang magaling sa video, mejo hindi kagalingan sa live.
so aun. butete. pooootek. na memorize ko na ng tuluyan ang ilan sa lyrics nito.
ug hatinggabii, iinbayt mi ug bertdi
(ug bertdi)
sa partii, may handang butiti
(butiti)
waka'y baloou, makahilo
(lo, lo, lo, lo)
i swear. dumuuugo ang utak ko nun. sakto pa naman, ang init sa loob ng fx. naluto ang aking descending fiber tract of V, ang cerebellar peduncles at ang aking cortico-bulbar fibers. pati ang aking mga cardiac muscles ay nag overtime.
bumili nga pala ako ng pamaypay noong nakaraang huwebes. kulay orange, na may design na kulay blue na tren tsaka stars. pambata, alam ko. pero ang cute eh.
-------------------------------------------------------------------------------------
kanina, sumakay ako sa harap ng fx. sa may passenger seat talaga. ang sama ng katabi ko amp. inangkin ung 70% ng upuan. nakita ko ang ayos ng kanyang legs, ang laki ng agwat, kaya nasakop niya ang higit sa kalahati ng maliit na upuan.
kaya ako naman na nasa may stick(ano ba ang tawag dun? haha), ipit na ipit. kaya pati tuloy si manong driver nahihirapan sa pag change ng gears. muntik na kaming masagasaan.
bumaba siya ng zapote. lalaki nga pala siya, nakasalamin, siguro nasa late 40's na siya at may suot na blue long sleeves. may bigote tsaka gold na watch sa kanang kamay. walang dalang gamit.
mukhang empleyado. ordinaryong tao lamang, nagtratrabaho siguro naman ng matiwasay. may wedding ring. siguro may tatlo o apat na anak.
ordinaryong tao lamang. katulad ko. ngunit hindi man lamang niya inintindi na may nahihirapan na kanyang mga ginagawa.
ganyan ba ang ordinaryo? kung oo, potek. ayoko na maging ordinaryo.
No comments:
Post a Comment